Advertisers

Advertisers

Lalaki kinatay sa tabi ng Convenience store

0 264

Advertisers

PATAY matapos burdahan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang lalaki mula sa nakasagutan nito sa tabi ng isang convenient store, Miyerkoles ng umaga sa Barangay Fatima, Road 3, Dasmarinas, Cavite.
Duguang bumulagta ang biktima na si Rey Villanueva Briol, na hustong gulang, ng Brgy.Fatima 3, na hindi na umabot ng buhay sa pagamutan sanhi ng dami ng tinamo nitong mga saksak sa katawan.
Naaresto naman ang salarin na nagtangka pang tumakas na nakilalang si Rodel Cruzado, nasa hustong edad at residente din ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ni PSSg Richard Domingo, may hawak ng kaso, 8:20 ng umaga nang maganap ang insidente. ( Irine Gascon)