Advertisers

Advertisers

Bumira uli ng pulis ang ‘riding in tandem’ sa Tondo

0 318

Advertisers

BANDANG alas-diyes ng umaga nitong Huwebes ay bumira na naman ng pulis ang ‘riding in tandem’ criminals sa Tondo, Manila.

Ang biktima ay isang Sarhento “Dran” Cipriano, taga-Lalliana st.,Tondo. Batch ‘96 daw ito.

Pero si Cipriano ay awol (absence without leave) na umano sa serbisyo. Ang huling assignment daw niya ay sa Bikol.



Habang nakamotorsiklo at may angkas na babae, sinabayan si Cipriano ng riding in tandem at pinutukan ng ilang beses sa may tapat ng Deca Mall sa Vitas st., corner Jacinto st., Tondo. Dead on the spot ang biktima.

Tinamaan din ang babae pero nasa ligtas na itong kalagayan.

Nakuha sa tabi ng bangkay ni Cipriano ang isang kalibre .45 na baril, na maaring pag-aari nito.

Ayon sa aking reliable source, may nakabarilang pulis na kapitbahay niya noon si Cipriano. Ito ay si Sgt. Custodio na tinamaan sa tiyan. Pero nabuhay si Custodio, ngunit kalaunan ay namatay din dahil sa atake sa puso.

Ang kasong ito ang isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga imbestigador ngayon. Posible raw na retaliation o pagganti.



Ang isa pang anggulo ay droga. Oo! Talamak daw kasi ang droga sa lugar ni Cipriano. You know!!!

Ang ipinagtataka naman ng mga tao sa lugar ng insidente, masyadong malakas ang loob ng riding in tandem gayong mayroong police outpost ng MPD PS1 sa may tulay mismo sa gate ng Deca Mall.

May mga nagdududa tuloy na baka pulis din ang riding in tandem. Puede!

Anyway, kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang SOCO. Nirerebyu ang mga kuha ng CCTV sa erya para sa posibleng pagtukoy sa mga salarin.

Subaybayan!

***

Nasa batas ang 13th month pay, pero close-open pa ang negosyo sa Covid-19

TINUTUTULAN ng Palasyo ng Malakanyang ang pagpaliban sa pagbibigay ng 13th month pay ngayong kapaskuhan.

Ito rin ang iginigiit ng mga politiko, siempre pampa-guapo nila sa mga botante lalo’t malapit na ang halalan sa panguluhan.

Yes! Nasa batas naman talaga ang pagbibigay ng kum-panya ng 13th month pay sa mga empleyado bago sumapit ang Disyembre 25.

Wala namang kumpanya na ayaw magbigay ng 13th month pay, pero sa panahon ngayon ng pandemya sa Covid kungsaan simula Marso 17-Mayo 30 ay sarado lahat ng negosyo, at mula Hunyo 1 hanggang ngayon ay patay-sindi ang operasyon ng business establishments, ang iba nga ay sarado parin dahil sa banta ng Covid-19, paano makapagbibigay ng 13th month sa mga trabahador?

Ang pinakamagandang magagawa rito ng mga kumpanya, na ang iba’y skeletal pa ang workforce dahil walang kita ang negosyo, ay mabigyan ng kung magkano ang kayang ipamasko sa mga empleyado nito. Dahil kung buo as in ang ibibigay na 13th month pay ay baka tuluyan nang tumiklop ang negosyo dahil sa kawalan na ng kapital.

Ang mga empleyado sa pribadong kumpanya ay tiyak na naiintindihan naman ang sitwasyong ito. Ang mahalaga ay makabawi at makabalik sa normal ang operasyon ng kumpanya para maging maayos uli ang pasueldo. Mismo!