Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MARAMI ang naaliw nang paglaruan ni Alex Gonzaga ang kanyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa kanyang vlog.
Game naman na kumasa ang mag-asawa sa Jojowain o Totropahin challenge.
Bago pa man sila sumalang sa question and answer portion, parehas muna silang kinausap ni Alex tungkol sa kanyang hamon.
Sinabi niya sa kanyang daddy na prank lamang iyon upang mapikon ang kanyang mommy at ganun din ang kanyang ibinida sa kanyang mommy.
Gayunpaman, pagkatapos ng kanilang challenge, tila humantong sila sa pagkakapikunan batay sa kanilang mga sagot.
Ilan sa mga personalidad na pinagpilian ni Daddy Bonoy ay sina Direk Cathy Garcia Molina, Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Marjorie Barretto, Dawn Zulueta, Sharon Cuneta, Lorna Tolentino, Jenine Desiderio, Anjanette Abayari, Alma Moreno at VP Leni Robredo.
Sina Piolo Pascual, Aga Muhlach, Long Mejia, Luis Manzano, Robert Jaworski, Derek Ramsay, Gabby Concepcion, Jackie Chan, Christopher de Leon at Mayor Isko Moreno naman ang natoka kay Mommy Pinty.
Ito ang ilang komento ng netizens sa mga nakalolokang reaksyon nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.
“Love it, the names that she mentioned are the classic actors and actresses. I love this content having a great time with your parents! Alex Gonzaga is the best.”
“Tawang tawa ko! Hahaha! Nakakarelate ako kasi ganyan din mag-away nanay at tatay ko parang di halata pero nagaaway na pala sila.”