Advertisers

Advertisers

3 menor de edad nagbirong nalulunod, natuluyan-patay

0 250

Advertisers

NASAWI ang tatlong menor de edad sa pagkalunod sa ilog sa Barangay Intaluan, Pototan, Iloilo.
Kinilala ang mga biktima na sina Rogielyn Dolendez, 9, ng Barangay Intaluan; at mga pinsan nitong magkapatid na sina John Arnold, 10; at Arnold Peñafiel, 6, pawang residente ng Barangay Pitogo.
Sa ulat, namimingwit ng isda ang mga biktima sa ilog nang mangyari ang insidente.
Inutusan umano ng kapatid nina Peñafiel na magkunwaring nalulunod hanggang sa natuluyan ang mga ito.
Dinala pa sa ospital ang mga biktima, ngunit idineklarang dead on arrival.(PFT team)