Advertisers
Help others and give something back. I guarantee you will discover that while public service improves the lives and the world around you, its greatest reward is the enrichment and new meaning it will bring your own life. — Former California governor Arnold Schwarzenneger
PASAKALYE
Email message . . .
Bakit ba hindi matanggap ni ALAN (PETER) CAYETANO na kailangan n’ya ng ibigay ang puwesto kay (LORD ALLAN) VELASCO. Agaw-pansin na s’ya masyado, lumalabas ang pagkaganid sa puwesto. Hindi tuloy maiwasan na isipin ng mga tao na para na s’yang si (CARLO ISAGANI) ZARATE, magaling magpabebe. Sila na lang laging laman ng balita, dapat nag artista na lang sila kung pagpapasikat lang din naman ang ‘forte’ nila. — Mae Isidro (maeisidro1003@gmail.com, October 14, 2020)
* * *
SA pagkakahalal ni deputy speaker PAOLO DUTERTE bilang chairman ng House committee on accounts, inaasahan ang pagkakatalaga ng iba pang kaalyado ng bagong House speaker na si Marinduque representative LORD ALLAN VELASCO, tulad ni Quezon District IV lawmaker ANGELINA HELEN TAN na inilagay bilang chairman ng House committee on health.
Si deputy majority leader JUAN PABLO BONDOC ng District IV ng Pampanga ang siyang nagnomina sa anak ng Pangulong RODRIGO DUTERTE sa nasabing posisyon.
Pinalitan ng batang Duterte si Cavite District VIII solon ABRAHAM TOLENTINO.
REAKSYON:
Siguro naman, ngayong nagwakas na ang kaguluhan sa Kamara de Representante, ay uusad na ang pagsasagawa ng mga tungkulin ng ating mga kongresista. Sana’y isaalang-alang nila na ang kanilang ginagawa ay para lahat sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.
Kudos, chairman Paolo Duterte!
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!