Advertisers
IPINAALALA ni Manila Mayor Isko Moreno sa publiko na maging mapagmatiyag laban sa ilang modus operandi ngayong papalapit na ang kapaskuhan.
Ayon kay Moreno, kailangan ng publiko maging alerto sa lahat ng oras.
Aniya, mayroon nang bagong modus ang mga kriminal na tinatawag na “susi-susi” kungsaan dinudunggol aniya ang likod ng sasakyan hanggang sa bumaba ang driver, dito aniya nangyayari ang holdapan o di kaya’y carjacking.
Payo ni Isko sa mga motorista na kapag nangyari sa kanila ito, huwag bababa ng sasakyan at kunin na lamang ang plate number ng nakabunggo at pumunta sa pinakamalapit na police station para mag-file ng report.
Sa mga nambabato naman ng itlog sa windshield, pinapayuhan ni Yorme ang publiko na huwag na lamang gagamitin ang wiper upang hindi lalo lumabo ang windshield at maiwasan ang disgrasya.
Nangako ang alkalde na hindi siya titigil hangga’t hindi nakukulong ang mga kriminal lalo na sa mga gagawa ng krimen sa lungsod ng Maynila.(Jocelyn Domenden/Andi GArcia)