Advertisers

Advertisers

Khalil lumundag na sa Kapuso para makasama ang labs na si Gabbi

0 262

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ISANG big announcement ang naganap sa 24 Oras nitong Lunes (Oktubre 12) dahil nalaman na sa wakas kung sino ang masuwerteng Kapuso actress na gaganap sa title role na ‘First Yaya’ at ito ay walang iba kundi si Sanya Lopez!

Ang upcoming primetime series na ito ang isa sa pinakaaabangang proyekto ng GMA-7 kaya naman looking forward na ang fans at netizens kung sino ang magiging bagong leading lady ng multi-talented Kapuso actor na si Gabby Concepcion kapalit ni Marian Rivera na nag-backout sa serye due to safety and health protocol dahil mas priority nito ang kanyang pamilya; ang mister na si Dingdong Dantes at ang mga anak na sina Zia at Ziggy.



Ang First Yaya ay kuwento ng isang Vice President (Gabby) na kalauna’y magiging Presidente ng Pilipinas, at ng kanyang first family. Ang napiling Kapuso actress, si Sanya nga, ang siyang gaganap na ‘yaya’ para sa mga anak ng presidente.

Tampok din sa cast sina Pancho Magno, Cassie Legaspi at Ms. Pilar Pilapil.

Ang ‘First Yaya’ ay sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos.

***

NITO namang Martes (Oktubre 13), opisyal nang ipinakilala ang pinakabagong Kapuso na dapat abangan sa GMA Network. Inanunsyo ng GMA Artist Center sa kanilang official social media accounts ang pagdating ng isang multi-talented actor na tiyak na magpapakilig sa Kapuso viewers.



Kanya-kanyang hula naman ang netizens kung sino ito at sa wakas nga ay inahayag na sa publiko na ito ay walang iba kundi ang multi-talented actor na si Khalil Ramos!

Boyfriend ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia si Khalil kaya malamang na pagtambalin sila sa isang teleserye na tiyak na kakikiligan ng netizens.

***

GAGANAPIN ang  Pista ng Pelikulang Pilipino 4 (PPP4) mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15 sa FDCPchannel.ph platform.

Ang Early Bird Rate Pass na PHP 450 para sa 16-day Full Run Pass (PHP 599) ay mabibili hanggang Oktubre 15 lamang. Ang iba pang subscription options ay ang Half Run Pass (PHP 299) para sa walong araw, Day Pass (PHP 99), at Free Pass (para sa short films at public events). Simula Oktubre 16, magkakaroon na ng discounts para sa persons with disabilities (PWDs) at senior citizens (20%) at mga mag-aaral (30%).

Mapapanood sa buong Pilipinas ang pelikulang ipapalabas ng FDCP para sa PP4.

“This year’s PPP may be different, but I assure that it will continue to celebrate the heritage and potential of our film industry by spreading the love for Philippine Cinema. The festival will also promote solidarity because ultimately, PPP 4 is one way to help sustain the Filipino film industry in light of the pandemic’s devastating effects,” sambit ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

Ang slogan na “PPP4, Sama All!” ay hindi lamang para sa filmmakers kung hindi para sa mga manonood din para mapahalagahan nila ang Philippine Cinema at makatulong sa hangarin ng FDCP na makapagbigay ng suporta sa industriya ng pelikula sa gitna ng COVID-19 na pandemya. Lahat ng proceeds mula sa sales ng PPP Festival Passes ay mapupunta sa lahat ng producer na kasama sa PPP.

Para sa updates sa karagdagang PPP4 titles at iba pang impormasyon, bumisita sa FDCPchannel.ph o facebook.com/FDCPPPP.

Maliban sa QCinema, Sinag Maynila, Sine Kabataan, at CineMarya, tampok din sa PPP4 ang mga pelikula mula sa iba’t ibang producer at mula rin sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, CineFilipino Film Festival, at ToFarm Film Festival. Ipapalabas ng Special Screenings section ang “Mula sa Kung Ano ang Noon” ni Lav Diaz.

Ang PPP online edition ngayong taon ay may 14 na sections, kasama ang Lav Diaz special screening at libreng short films showcase.

Kamakailan isang malaking pagtitipon ng samu’t saring pelikula ang ika-4 na edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magpapalabas ng hindi bababa sa 145 na pelikula — 67 na full-length films at 78 na short films ang ipinahayag ng FDCP Chair Liza Dino-Seguerra sa grand presscon ng press media via Zoom.

Bilang organizer ng PPP, inaanyayahan ng FDCP ang lahat ng stakeholders na magsama-sama at magkaisa para sa industriya ng pelikula.

Ang “Sama All!” na slogan, na tampok sa PPP4 poster ay imbitasyon ng FDCP para sa PPP4 na gaganapin mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15.

Ang key elements sa poster ay kumakatawan sa mga pelikulang kasama sa 14 na sections ng online festival: PPP Short Films, Romance, Youth & Family, Classics, PH Oscar Entries, Genre, Bahaghari, Tribute, From the Regions, Documentaries, PPP Retro, Special Screenings, CineMarya, at PPP Premium Selection.