Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
MALAPIT nang maging mommy ang Kapuso actress na si Joyce Ching. Sa latest vlog ng actress ay naging hamon sa kanya ang maging isang mommy for a day.
Sinimulan niya muna na mag-babysit para sa kanyang isang taon gulang na pamangkin na si Caleb. Gusto kasi ni Joyce maranasan kung paano haharapin ang mga duties ng isang mommy.
Nagsimula siya sa paghahanda ng breakfast at baby formula para kay Caleb. Nandoong pinaliguan din daw niya ang pamangkin at binantayan ng buong araw sa bahay.
Pero mas nauna pa nakatulog si Joyce kaysa sa inaalagaang baby na naglalaro habang mahimbing siyang nakatulog sa sopa.
Ang nangyari tuloy ay ang mister niyang si Kevin Alimon ang nag-alaga dahil sa nakitang sobrang napagod na ang misis.
“Ito na po si momshie for a day, borlogs na!” pabirong say ni Kevin.
Tinapos na ni Joyce ang pag-aalaga sa kanyang pamangkin hanggang magdesisyon na ihatid na si Caleb sa mga magulang nito bago sumapit ang bedtime.
Sa sandaling experience ni Joyce sa pag-aalaga ng isang baby ay napagtanto nito na hindi biro ang mag-alaga at hindi biro ang maging isang ina.
***
INATAKE ng separation anxiety si Jake Cuenca dahil hindi kasama ang girlfriend/live-in partner na si Kylie Padilla. May bagong project kasi ngayon ang beauty queen.
Sa kanyang Instagram ay nag-emote nang husto si Jake dahil sobrang miss daw niya ang girlfriend. Nagmistula tuloy marriage proposal ang post ni Jake para kay Kylie.
Kahit nahirapan sa pag-iisa ay suportado pa rin ni Jake si Kylie sa bagong project nito na kailangan nga na mag-lock-in.
Dahil sa nakaka-touch na post ni Jake sa girlfriend ay hindi naman nagpatalbog ang beauty queen sa ginawa nitong mensahe para kay Jake.
“I love you so much, you mean the whole world to me. Thank you for always being there for me. I`ll always consider you as my mentor. Thinking about you and missing you everyday. Kiss nuggie for me. I love you and see you soon!” say ni Kylie kay Jake.
***
PANAWAGAN: Dapat siguro na magising na ang mga tao sa ilang politicians na hangad lang ay kapangyarihan at hindi pagtulong sa mga mamamayan.
Grabe ang pagiging sakim ng isang politician sa kanyang posisyon at magaling gumawa ng paraan para mapalabas na kailangan at gusto siya ng mga kasamahan.
Sayang ang mga gahaman na pulitiko na magaling at matalino pero wala naman talagang pagmamahal sa sambayanan.
Dapat sa mga ganyang pulitiko ay hindi na mahalal sa mga susunod na election. Sila ang nakatatakot na mahalal sa mas mataas na posisyon sa bansa.