Advertisers
PUMALO na sa 346,536 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 1,910 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon nitong Miyerkules, Oktubre 14.
Habang ang aktibong kaso ng Covid-19 ay nasa 46,227 na lamang ayon sa DOH.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na umabot sa 564, Region 4A na may 398, Region 6 na may 128
Nakapagtala naman ang DOH ng 579 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 293,860 na ang mga gumaling.
Nakapagtala rin ang DOH ng 78 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 6,449 na ang kabuuan.
May 87 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 85 dito ay recovered cases at isa ang namatay at tinanggal na rin sa case count.
Samantala may 17 na kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)