Advertisers

Advertisers

Bitin sa pinagbidahang toprating na ‘Pamilya Ko’… Sylvia Sanchez may bagong teleserye sa ABS-CBN

0 270

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

ISA si Sylvia Sanchez sa mga Kapamilya star sa nakipaglaban sa prangkisa ng ABS-CBN at nirerespeto rin nito ang naging desisyon ng kanyang mother network nang hindi na ipinagpatuloy ang pagsasa-ere ng pinagbibidahang “Pamilya Ko” kahit na mataas pa ang ratings nito.

Alam naman kasi at naiintindihan ni Sylvia na may valid reason ang Kapamilya network na hindi pinaboran ng 70 congressman ang prangkisa kaya napilitang magsara ang number one TV station sa bansa.



Saka bakit magtatampo ang actress e, hayan at may bonus siya mula sa 22nd Gawad Pasado na pinarangalan siyang “Pinakapasadong Aktres Sa  Teleserye” para sa seryeng Pamilya Ko.

At saka nagbabalik ang Leon sa pamamagitan ng bagong A2Z sa ZOETV channel 11. Blocktimer ang ABS-CBN sa istasyong ito at marami sa mga programa nila ang ipalalabas dito na nagsimula na noong October 10.

Kaya buhay na naman ang mga teleserye ng Dos na talagang dekalidad lahat. Isa na rito ang bagong soap ng Dreamscape Entertainment na “Huwag Kang Mangamba” na all-star cast na kinabibilangan ni Sylvia at ang co-stars niya sa said serye ay sina Eula Valdez, Mylene Dizon, Diether Ocampo, Enchong Dee at ang introducing na si Paolo Gumabao.

Ang Gold Squad na kinabibilangan nina Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Francine Diaz at Kyle Echarri ay parte ng proyekto at sila ang kukumpleto sa cast members.

Malapit na itong mapanood at excited na si Ibyang (palayaw ni Sylvia) at buong cast sa kanilang pagsisimula.



Kakaiba raw ang character ni Ibyang sa “Huwag Kang Mangamba” kaya bago na naman ito para sa mahusay na actress.

***

Singing Idol And Actor LA Santos, Itinayo Ang 7K Sounds Para Makatulong Sa Mga Baguhang Pinoy Musician

Dahil maganda ang goal ng singing idol at actor na si LA Santos na makatulong sa mga baguhang  Pinoy musician na hindi napapansin ng malalaking recording companies.

Full support kay LA sa itinayo nilang 7K Sounds ng kilalang businesswoman-concert producer Mom na si Madam Flor Santos.

And just recently ay nag-signed up na ng contract sa 7K Sounds ang dalawang discovery ng music company ni LA na sina Iman Chesca na beautiful vlogger-model-singer at si Big J na isang rapper na maraming composed na kanta.

Lalabas na ang debut single ni Iman soon at ang collaboration nina LA at Big J. Ang dalawang artist na ito ang first batch talents ng 7K Sounds. Samantala, ang 7K Sounds din ang nag-produced ng patok na ngayong kanta ni LA na “HIBANG” na ginawan pa ng dance challenge at marami ang sumali rito maging ang sensational vlogger-dancer na si DJ Loonyo na meron nang more than 700K views sa Youtube.

Kakaibang sound ni LA ang maririnig sa Hibang na balak ni Madam Flor na i-release sa international market. Nakakamit na ni LA ang tagumpay sa kanyang singing career at maging ang pagiging actor ay marami na rin siyang napapabilib.

Yes, kahit na last year pa ipinalabas ang pelikulang “Maria” na pinagbidahan ni Cristine Reyes sa Viva Films ay pinag-usapan talaga ang tortured scene ni LA sa movie na para rin sa amin ay pasado na siyang dramatic actor, na pwedeng magkaroon ng acting award in the future.