Advertisers

Advertisers

2021 nat’l budget maipapasa sa Biyernes – Palasyo

0 288

Advertisers

KUMPIYANSA ang Malakanyang na lulusot sa 3rd at final reading sa pagbasa sa Kamara ng 2021 National Budget sa Biyernes kahit na may nangyaring bangayan sa pagitan nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco hinggil sa term sharing para sa pagka-house speaker.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ngayong nagkaayos na sina Velasco at Cayetano ay itutuon nila ang atensyon ng lahat sa usapin sa national budget.
Gayundin ay umaasa rin si Budget Secretary Wendel Avisado na wala ng magiging hadlang sa pagpasa ng 2021 budget sa darating na Biyernes, Oktubre 16.
Ang importante ay mabigyan ito ng atensyon dahil may kinakaharap na krisis ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic. (Vanz Fernandez)