Maglipana man ang babanggang shows… “Bawal Judgemental” ng Eat Bulaga sapat na para sa Dabarkads sa buong Pinas
Advertisers
Ni PETER LEDESMA
NO reaction ang Eat Bulaga sa dating katapat at dalawang bagong noontime shows na ibinangga sa kanila ngayon. Well, may dapat pa bang sabihin ang programa e, maliban na sila ang itinuturing na number one and longest-running noontime and public service show sa bansa, ‘yung kanilang daily segment na “Bawal Judgemental” na umaalingawngaw sa buong bansa ang salitang “Ang Tanong?” ay patok na patok sa lahat ng Dabarkads na solid Eat Bulaga. Sa EB, wala ka na kasing hahanapin pa dahil lahat ng gusto mong mapanood tulad ng entertainment ay hatid ng
“Pamilya Nunal” with matching guest celebrity pa. Tapos nariyan din ang iba pang segments tulad ng Takbuhan sa TV, Pinoy Henyo Online na ang maglalaro ay ang bisitang artista at EB hosts at dekada ng public service segment na Juan For All, All For Juan na anywhere in the Philippines (pwedeng sumali mga dabarkads sa Luzon, Visayas, at Mindanao) na ang sangkatutak na premyong mapapanalunan kasama ng malaking cash ay agad na makukuha sa araw na nanalo sa pamamagitan ng Palawan Express. Kaya tayo nang samahan araw-araw si Bossing Vic Sotto na may bonus pang pakwela mula sa daughter nila ni Pauleen Luna na si Talitha. Siyempre, atin ding makakasama sina Maine Mendoza, Alden Richards, Ryan Agoncillo, Pia Guanio, Allan K, at sina Jose, Wally, Paolo at iba pa. Maliban sa GMA7 ay mapapanood niyo rin Lunes hanggang Sabado sa ganap na 12noon hanggang 2:30 PM nang Live ang Eat Bulaga sa kanilang Facebook Page at Youtube channel na milyon na ang subscribers and followers.
***
JC Garcia Tuluy-Tuloy Pa Ring Ang Selebrasyon Sa Birthday, Kapwa Recording Artist Na Sina Yolanda At Gemma Franco Dumalo Sa Fort McKinley Concert
Ang feeling ni JC Garcia dahil last month(Sept. 30) pa tapos ang kanyang birthday celebration ay wala nang hahabol pa na babati at magti-treat sa kanya. Pero nasurpresa na lang si JC at may natanggap pa itong imbitasyon mula sa kaibigang concert producer na si Bheng Flores Topacio at friend ding si Mr. Sonny de Guzman. Ang ikina-shock pa ni JC ay ang fabulous na gift sa kanya ni Madam Bheng na malaking box na naglalaman ng 5 Versace cologne na alam naman nating very expensive.
Tapos sa isang Italian Resto na Veranda siya dinala ng kanyang mga kaibigan na sa set-up pa lang ay feeling ni JC ay nasa Paris siya noong mga oras na yun. Si Bheng ay naging producer ni JC sa kanyang concert sa Fort McKinley sa San Francisco na guest niya ang sikat na actor-singer na si Gabby Concepcion. “Thank you so much Bheng, for your trust in me and thank you for your friendship I love you guys.” Pasasalamat pa ni JC sa kanyang longtime BFF na produ na with matching heart emoji pa. Samantala, nais ding pasalamatan ni JC ang mga kapwa recording artist na sina Yolanda Siracusa(Dyna Records) at Gemma Franco-Smith(Wonderland Records) na parehong sumikat noong late 70’s and 80’s.