Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
AMINADO si Liza Soberano na kung meron man siyang artistang tinitingala sa showbiz, ito ay walang iba kundi si Angel Locsin.
Sa Hollywood naman daw ay impressed siya kina Angelina Jolie at Audrey Hepburn.
Sa panayam din sa kanya sa Headstart ni Karen Davila, sinabi niya na wish niya na mawala ang lahat ng negativity sa social media tulad ng awayan, paghahasik ng galit at siraan.
Dahil role model niya si Angel, hanga raw siya sa katapangan nito at sa pagkakaroon nito ng mabuting puso.
Kaya nga, kung dati raw ay very soft-spoken siya at hindi masyadong vocal sa social media, natutuhan daw niyang magsalita at manindigan kung kinakailangan.
“I just didn’t feel comfortable sharing them because I knew people would always have something to say against my opinion and before I wasn’t comfortable with that.
“But now I think I’ve gained so much courage from seeing other people stand up for themselves that has inspired me to stand up for myself and for those people who cannot do so,”ani Liza.
Natutunan din daw niyang makipaglaban hindi lamang para sa sarili kundi para sa ibang tao sa panahong nasusubok ang bansa ng pandemya.
“There aim is to silence me and if I give them that then they win. And we can’t let them win,” paliwanag ni Liza.
Sa panahong ito, naniniwala rin siyang kailangan nating magpahayag ng ating opinyon mapa-pulitika man o ibang larangan lalo na’t may matuwid tayong ipinaglalaban.
“We got to keep voicing out opinions especially if we know we are on the right side.And I have to be the voice for the voiceless. I have to spark courage to the people who support me and look up to me,” esplika niya.
Sa panayam, natanong din siya kung may balak siyang pumasok sa pulitika pero agad niya itong idinenay.
Aniya, wala raw siyang interes sa pulitika at kung tumutulong daw siya ay hindi dapat na bigyan ito ng ibang kulay.
Sa pagiging outspoken, idol daw niya sina Angel at Bea.
“I guess I gathered the confidence from other people I love and other women I admire like Ate Angel Locsin, Ate Bea Alonzo. When I saw them fight, it encouraged me to fight. I realized that I have to choose my battles and what I’m really trying to win,”pagtatapos niya.
Happy naman si Liza dahil mapapanood na ang Kapamilya shows sa A2Z Channel 11 sa free TV.