Advertisers

Advertisers

It’s a Tie

0 208

Advertisers

Tatlong impresibong record ang napantayan nitong Linggo sa mundo ng sports.

By winning the Eifel Grand Prix in Germany, napantayan ni Lewis Hamilton ang record ni Michael Schumacher 91 GP victories. Halos sigurado na rin na mapapantayan ni Hamilton ang seven world titles ni Schumacher sa pagtatapos ng season.

Ilang oras matapos ang panalo ni Hamilton ay kinumpleto ni Rafael Nadal ang isa na namang dominant run sa French Open. Hindi pinaporma ni Nadal ang long-time rival na si Novak Djokovic, 6-0, 6-2, 7-5 to win his 13th French Open title and 20th Grand Slam trophy overall. Tabla na sina Nadal at Roger Federer atop the Grand Slam trophy count with 20 each habang nanatili naman sa 17 si Djokovic.



Tinablahan din ng Los Angeles Lakers ang Boston Celtics as the most successful franchises sa NBA with their 17th title following a 106-93 rout of the Miami Heat sa Game 6 noong Linggo ng gabi (Lunes sa Pilipinas).

Muling pinangunahan ni LeBron James ang Lakers sa itinalang 28 puntos, 14 rebounds at 10 assists para i-extend ang kanyang record na Finals triple-doubles sa 11. Meron na siyang 28 playoff triple-doubles overall, just two behind the record 30 by Magic Johnson.

As expected, LeBron won the Finals MVP for the fourth time. He was the first player in history to win the Finals MVP with three different teams, winning it twice noong nasa Miami Heat siya at winning it when he led the Cleveland Cavaliers from 1-3 down against the Golden State Warriors to win their only NBA title.

LeBron, Nadal and Hamilton are some of the most influential athletes sa kasalukuyang henerasyon at masuwerte tayo na they’re still on top of their games sa ikatlong dekada nila sa kani-kanilang larangan.

They all started as prodigious teens who found success early in their careers in the 2000s and went on to dominate the 2010s and now they’re still going strong at the start of 2020s.



Sa mga susunod nating kolum ay hihimayin natin ang successful careers ng mga nasabing sports icons.