Advertisers

Advertisers

Enzo at Michelle tinawag na ‘Pandemic Love’ ang relasyon

0 230

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

KAHIT hindi  pa available ang  vaccine para sa Covid-19  ay tuloy na tuloy pa rin ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), ito ang inihayag ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Dino-Seguerra. Katunayan,  inihahanda  na nila ang ika-4  na edisyon ng naturang  festival.

Ang  ika-4  na edisyon ng PPP ay  malaking  pagtitipon  ng  iba`t ibang  pelikula  na magpapalabas ng hindi bababa sa 14 na pelikula —- 67 na full-length films at 78 short films.



Inaanyayahan  ni FDCP Chairperson Liza ang lahat ng stakeholder na  magsama-sama  at  magkaisa  para  sa local movie industry.

Ang kanilang slogan na  “Sama ALL” ay gaganapin mula October 31 hanggang  November 15.

“This  year`s  PPP may be different,  but  I assure  that it  will  continue  to  celebrate  the  heritage  and potential  of our  film industry by  spreading the love for Philippine Cinema. The festival  will also promote  solidarity  because  ultimately, PPP 4  is  one way  to help sustain  the Filipino film industry in light of the pandemic`s  devastating  effects,” say ni Chairperson Liza.

Bukod  sa Sinag Maynila, QCinema, Sine Kabataan at CineMarya, kasama  din  sa  PPP4  ang mga pelikula  mula  sa  iba`t ibang  producer  at  mula  rin sa Cinemalaya  Philippine Independent  Film Festival, Cine Filipino Film Festival at ToFarm Film Festival. Ipalalabas ng Special Screenings section  ang dinirek ni Lav Diaz na “Mula sa Mula Kung Ano ang Noon.”

Para sa updates at karagdagan  sa PPP4 titles at iba pang  impormasyon, bumisita lang sa FDCP  channel ph o facebook.com/FDCPPPP.



***

SA  Online grand presscon pa rin ng Pista ng Pelikulang Pilipino 4: Sama All,  nahingan  ng  reaction si Enzo Pineda kung saan kasama ang movie niyang He Who Without  Sino na isa sa kalahok sa festival, ano ang tunay na relasyon niya  kay Michelle  Vito?

Naikuwento  ni Enzo ang pinagdaanan  niyang  sakit na Covid-19  na malaki ang naging partisipasyon ni Michelle Vito nang tamaan  siya ng naturang  virus.

Hindi  raw siya  iniwan  ni Michelle  at  binigyan  siya  ng lakas  ng loob  para labanan ang nakamamatay na virus.

Si Michelle rin daw ang isa sa mga dahilan ng kanyang paggaling.

Bago pa raw siya nagkasakit ng Covid-19 ay nagmamahalan na sila ni Michelle at lalo raw tumatag ang kanilang relasyon nang magkasakit  siya  at  alagaan ng girlfriend.

Tinawag  nga  niyang  Pandemic Love  ang  pagmamahalan nila ni Michelle.

Mapapanood ang entry ni Enzo sa FDCP Channel.ph.

***

PANAWAGAN kay Mayor Isko Moreno. Mayor, ano na raw po ang nangyari  sa Senior Citizen paymaya ATM card na doon idadaan ang P500 monthly pension ng mga naninirahan sa Kamaynilaan?

Hanggang ngayon ay wala pa ring natatangap na Paymaya card ang mga senior citizen sa Maynila.

Matatandaan na yung 3 months (simula noong Jan to March 2020) ay  naibigay ang cash sa mga senior pero pagkatapos ay wala nang natatanggap ang mga ito.

Dito po sa 4th district ng Sampaloc ay walang natatanggap na paymaya card kahit isang senior citizen.

Sana mabasa at makarating kay Mayor Isko ang panawagan ng mga senior citizen na naninirahan sa 4th district ng Manila.