Advertisers

Advertisers

CHED, usad-pagong sa Lyceum!

0 1,047

Advertisers

KAHIT usad-pagong ang aksyon ng Commission on Higher Education (CHED) ay “gulo din ang tabakuhan” ng Lyceum International Maritime Academy (LIMA) sa Batangas City dahil sa posibleng pagkadiskubre ng nasabing ahensya sa marami pang katiwalian sa LIMA bukod pa sa ilang reklamong nakarating na sa Region 4-A CHED office.

Naisalin na sa Office of Programs and Standard Development (OPSD) ng CHED ang matitinding akusasyon ng mga umano ay panlilinlang sa pamahalaan ni Dean Alexander A. Gonzales sa pagpapatakbo ng LIMA.

Ngunit hindi pa kasama sa bubusisiin ng OPSD ang mga naunang alegasyon sa sinumpaang salaysay sa Batangas City Prosecutors Office ng isang ex-Lyceum student cadet na nagdedetalye sa mga katarantaduhang pinaggagawa diumano ni Gonzales sa pagpapairal nito ng In-House Policy sa nabanggit na akademya.



Ibinunyag din sa salaysay na kasabit ni Gonzales sa paggawa ng pagkaka-perahan mula sa may tinatayang mahigit sa 700 na student cadet, ang kalaguyo o kerida nitong empleyada sa Lyceum.

Ilang text messages naman ang natanggap ng SIKRETA mula sa nagpapakilalang LIMA students na nagtatanong kung sino daw kaya sa dalawang kalaguyong empleyada ni Gonzales sa nasabing unibersidad ang kasabwat nito sa “pamemera” sa mga estudyante? Una ay ang 28 anyos diumano na mistulang anak na ng dekano na isang alias “Lady Coring” o ang pangalawa na parang apo na nito na 23 year-old na si alias “Sweet Shayra”?

Ang sagot po natin, ay kung totoo man ang sinumpaang salaysay ng ating student whistle blower na may babaeng lover si Gonzales sa paggawa ng kwarta sa In-House Policy sa LIMA, ay di natin alam kung sino sa dalawang iniuulat ng texters ang kabit ng nasabing dekano na dawit kay Gonzales sa anomalya?

Suhestiyon natin sa ating mga tagasubaybay, hintayin na lamang nyo ang kalalabasan ng OPSD queries, kung matutumbok ng mga ito ang mga anomalyang nauna na ngang isiniwalat ng student whistle blower. Kapag tunay ang ulat na ito ay malamang na may kalalagyan talaga si Gonzales dahil sa gawaing imoral.

Ngunit duda tayo sa competence at kredibilidad ng nakatakdang pagsisiyasat na isasagawa ng Evaluation and Inspection Team ng CHED sa October 14, 2020. Ito na kaya ang iniulat ni CHED Supervisor II, Loupel Gueta na imbestigasyon ng OPSD ng CHED hinggil sa reklamong Fraudulent Practice in the Lyceum International Academy (LIMA)?



Nakarating sa kaalaman ng inyong lingkod na ang Evaluation and Inspection Team na naatasang magsiyasat kay Gonzales ay nasa ilalim ng suki ng LIMA na lead evaluator na isang Mam Samie Lou, ngunit nang tangkain nating tawagan ito sa kanyang mobile phone number ay di naman makontak.

Napag-alaman din natin na gagawin ang interbyu sa mga kinauukulang Lyceum officials, marahil isa rito si Gonzales, via online interview.

Hindi po sa pinangungunahan ng bait ang imbestigador ng CHED, ngunit tila balewala at wala ring katuturan ang isasagawang pagsisiyasat.

Kung nais ninyo talagang magkaroon ng di kaduda-duda, patas at walang kinikilingang imbestigasyon ay kailangang personal kayong magsaliksik sa pasilidad ng LIMA at isailalim sa interbyu ang mga complainants, students cadet, mga magulang at ang inirereklamong tulad ni Gonzales.

Si Gonzales ay iniuulat na protektado ng ilang tiwali ring opisyales ng Lyceum, kaya kung hilaw ang sistema ng isasagawang imbestigasyon ng CHED ay malabong maremedyuhan pa ang matagal na rin palang nangyayaring himala sa nasabing akademya.

Bakit ang tagal-tagal na pala ng mga kabalbalan ni Gonzales sa LIMA, ngunit di ito nasisibog ng mga pinagkakatiwalaan ni Lyceum Administrator and President Peter Laurel?

Hindi kaya “namamantikaan din ang nguso” ng tagapagtanggol ni Gonzales na isang Lyceum top-ranking official mula sa pera na nakurakot nito sa In-House Policy ng akademya?

Kabilang pa lamang sa sisiyasatin ng OPSD ay ang panlilinlang ni Gonzales sa CHED tulad ng “substitution” o pagpapalit ng propesor o instructor sa LIMA tuwing may nakatakdang monitoring and inspection ang team ng CHED sa nabanggit na eskwelahan.

Hindi kwalipikadong propesor ang mga nagtuturo ng kaukulang asignatura (subject) sa naturang akademya, wala kaukulang lisensya ngunit binibigyan ng teaching load ni Gonzales pagkat mababa ang salary grade nito.

Inihalimbawa ng ating source ay ang isa raw 3rd Marine Officer o 3rd mate ay pinagtuturo ng Seamanship 2 at Seamanship 5 na dapat ay isang management level officer tulad ng isang Master Mariner ang nagtuturo.

Ang mga subject na kinapapalooban ng simulator na mandatory namang itinuturo ng isang master mariner subalit Junior Officer lamang tulad ng Segundo Opisyal (2nd Officer) o Tersero Opisyal (Thirdmate) ang humahawak.

Ngunit kapag malapit na ang pagbisita ng CHED-MARINA Evaluation and Inspection Team ay saka lamang pinapalitan ni Gonzales ng isang lehitimong propesor na may management level training tulad ng Kapitan (master mariner) o Chief Engineer.

Kung wala namang available faculty ay kumukuha si Gonzales ng bagong propesor na hindi naman kasalukuyang nagtuturo sa akademya. Muli namang ibinabalik ang teaching assignment sa di kwalipikadong faculty pagkatapos ng evaluation and inspection ng CHED-MARINA.

May sumbong din ng kawalan ng permanente at kwalipikadong academy assessor. Sa tuwi lamang may nakatakdang Evaluation and Inspection ang CHED ay saka lamang nagtatalaga si Gonzales ng assessor, ngunit pagkatapos ng inspection ay ibinabalik na ulit sa teaching job ang nasabing faculty. Tandisan din itong paglabag sa patakaran ng CHED at sapat na basehan para tanggalan ang LIMA ng accreditation.

Noong August 24, 2020 pa nagsumbong ang isa pang whistle blower sa CHED, ngunit nito nga lamang October 14, 2020 nagtakda ng Evalutaion and Inspection ang CHED para talakayin ang nasabing reklamo ngunit gagawin nga ang teleconference via online o zoom conference.

Talaga namang usad-pagong po ang inyong tanggapan sa Region 4-A, CHED Chairman Prospero E, De Vera III…

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.