Advertisers

Advertisers

BAKLA NI-RAPE NG 2 LALAKI!

Hindi lang babae ang nagagahasa...

0 3,357

Advertisers

ISANG bakla ang nagreklamo sa pulisya ng panggagahasa laban sa 2 lalaking bumaboy sa kanya Linggo ng gabi sa San Jose (Carabao island), Romblon.
Sa ulat ng San Jose Municipal Police Station, 11:30 ng gabi nang nakatanggap sila ng tawag sa telepono tungkol sa insidente. Agad nila itong nirespondehan at naaresto ang dalawang lalaking inirereklamo ng panggagahasa na sina Feddie Rufino Venus, 26; at Edwin Amora Laureano, 21; kapwa taga-Sitio Tinap-an, Barangay Lanas, San Jose.
Ang nagreklamo ng pangagahasa ay si Mark Joshua Agustin, 25, chef, isang bakla, kapitbahay ng mga suspek.
Sa kwento ng biktima, 6:00 ng gabi ay kainuman niya ang kanyang mga kamag-anak (kapatid at tiyahin) at kaibigan sa isang bar sa Sitio Inobahan sa Poblacion. At bandang 7:30 ay nagdesisyon silang umuwi.
Ngunit dahil isa lang ang kanilang motorsiklo, napagdesisyunan ng biktima na sumabay nalang sa mga kapitbahay nitong sina Feddie at Edwin na pauwi narin galing sa pag-inom sa naturan ding bar.
Habang nasa daan sa may Brgy. Busay, sinabi nitong si Feddie (nagmamaneho sa motorsiklo) sa biktima na mag-sex sila, kung hindi ay iiwanan siya sa daan. Tumanggi ang biktima. Pagsapit sa may madilim na bahagi ng daan, biglang ipinasok ni Feddie ang motorsiklo sa medyo masukal na lugar, malayo sa kalsada. At pinuwersa nila ang biktima na makipag-sex sa kanila.
Pinilit ni Feddie ang biktima na ibuka nito ang kanyang bibig at ipinasok ang kanyang ari, pagkatapos ay pilit itong pinatuwad at ipinasok ang kanyang ari sa puwet ng biktima.
Pagkatapos nito ay nagmakaawa ang biktima na iuwi na siya dahil hinihintay na siya ng kanyang mga magulang. Pero habang nasa daan, pinilit naman nitong si Edwin ang biktima na hawakan ang kanyang ari at gayundin kay Feddie, kung hindi ay itutumba nila ang motorsiklo.
Walang nagawa ang biktima kundi ang sumunod sa kagustuhan ng dalawang suspek. Pagkarating sa bahay, nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na kaagad namang tumawag sa pulisya na kaagad namang rumesponde at naaresto ang dalawang buhong na kapitbahay.
Inaayos na ng San Jose MPS ang kasong Rape laban kina Feddie at Edwin.