Advertisers
UMANI ng samu’t saring reaksiyon ang mga larawang lumabas na umano’y behind the scene pictures ng nag-viral na teacher na lumangoy para lamang ihatid ang mga module ng mag-aaral.
Sa mga lumabas na litrato, makikita ang nasabing guro na nakasakay naman sa bangka taliwas sa pinalabas na tumawid siya sa ilog sa pamamagitan ng paglangoy.
Marami ang nadismaya dahil sa mga lumabas na litrato. Hindi man matumbasan ang mga sakripisyo ng mga guro, sana naman daw hindi na gawin ang ganito para lang mabigyan ng pansin.
Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, naging hamon hindi lamang sa mga mag-aaral at magulang kundi pati narin sa mga guro ang pagpapatuloy sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa makabagong paraan kagaya na lamang ng Modular Distance Learning (MDL), Online Distance Learning (ODL), at TV/Radio-Based Instruction.
Ilan sa mga naging hamon ang pagpaparating ng mga module sa mga liblib na lugar, mahinang internet connection, maling learning materials at marami pang iba.(Ace Ramales)