Advertisers

Advertisers

VELASCO ‘DI KIKILALANING SPEAKER!

Pro-Velasco ‘QC Session’ peke!

0 240

Advertisers

HINDI napalitan at hindi dalawa ang House Speaker dahil “fake session” ang idinaos na pagtitipon ng pro-Velasco supporters sa Quezon City na malinaw na labag sa Konstitusyon at mapanganib na precedent.

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, tuloy ang pagdaraos ng special session ngayon na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte. At sa gagawing sesyon ay ang pagpasa ng ‘2021 national budget’ ang  tutukan ng mga mambabatas, hindi ang isyu ng Speakership.

Malinaw aniya ang “marching orders” ni Pangulong Duterte na isaayos ang budget at wala itong pakialam sa usapin ng Speakership. Kaya ito ang gagawin ng Kamara sa sesyon mula ngayong araw, October 13, hanggang October 16.



Binantaan din nito ang kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na kung igigiit na siya na ang bagong House Speaker resulta ng nangyaring fake session sa Celebrity Sports Plaza, hindi nya ito hahayaan.

“I will not allow you to burn this house down.If you try to burn this house down, you will get one hell of a fight. Holding a “fake session” sets a dangerous precedent. Don’t throw the Constitution away. Don’t throw the Constitution into the waste basket,” pahayag ni Cayetano.

Nanindigan ang House Speaker na hindi lehitimo at hindi kikilalanin ng Kamara ang sesyon na idinaos ng pro-Velasco congressman dahil maituturing lamang ito na isang “social club gathering”.

“Sobrang kalokohan ‘yung ginawa nila.You know in your hearts, it’s simply wrong,” pahayag ni Cayetano, kungsaan ang ginawa umano ng kampo ni Velasco ay malinaw na ‘banana republic’ at pambababoy sa Konstitusyon.

“Congress is not a noontime show. Congress is not for entertainment. Congress is not a circus. It is the House of the people.This is very disturbing precedent. Sabi nila basta may quorum. Basta may quorum, they can meet any day and anywhere and do whatever they want? Kung valid yan, banana republic na tayo,” giit ni Cayetano.



Iginiit ni Cayetano na nilabag ng kampo ni Velasco ang House Rules nang magtipon-tipon sa kabila ng health and safety protocols na itinatakda ng Inter Agency Task Force (IATF).

Nagbanta rin ito kay Velasco at sa kampo nito na gagawa ng kaguluhan sa budget deliberations na hindi niya ito papayagan.

Ang sesyon, aniya, sa labas ng Batasan Complex ay dapat aprubado ng resolusyon gaya ng nangyari sa special session sa Batangas noong Enero sa kasagsagan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Dahil fake session ang idinaos ng kampo ni Velasco sa Quezon City pinatutsadahan ni Cayetano ang mga ito na bukas ang Kamara para sa mga ito para dumalo sa opisyal at lehitimong sesyon ngayon kungsaan tatalakayin ang budget sa Batasan Complex.

Samantala, tiniyak ng Malacañang na hindi ito makikialam sa Speakership sa Kamara at kung ano man ang gagawin ng mga mambabatas pagkatapos na maipasa ang 2021 budget.