Advertisers

Advertisers

TITSER INAGAWAN NG MOTORSIKLO, PINATAY PA!

0 304

Advertisers

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang guro nang pagbabarilin at ninakawan pa ng motorsiklo 7:00 ng gabi nitong Linggo sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Ravin Lucero Bigcas, 30, may asawa, senior high school teacher sa Salunayan National High School, at residente ng Barangay Agriculture, Midsayap, North Cotabato.
Ayon sa ulat, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo mula sa kanyang tahanan para bumili ng LPG sa bayan. Pagsapit ng guro sa hangganan ng Brgy. Central Glad, Lower Glad at Brgy. Agriculture sa national highway, bigla itong pinagbabaril ng riding in tandem.
Mabilis na tumakas ang mga salarin tangay ang motorsiklo (Hondo Click 150) ng biktima patungo sa liblib na lugar sa Midsayap.
Nagpapatuloy pa ang imbes-tigasyon ng Midsayap PNP sa krimen.(PFT team)