Advertisers

Advertisers

Sabong bawal pa!

0 252

Advertisers

KINUMPIRMA ng Malakanyang na hindi pa rin pinapayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang anumang uri ng sabong sa bansa online man o mapa live.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Pulong Balitaan nitong Lunes, Oktubre 12.  “Ang sabong po absolutely prohibited whether it be live or online. Yan po ay dini-discuss pa ng Technical Working Group ng IATF. But right now, walang kahit anong form of sabong live or online na ina-allow,” ani Roque.

Ang pahayag na ito ni Roque ay matapos kumalat ang ulat na may nagaganap na sabong sa iba’t ibang lugar sa bansa sa gitna ng banta ng pandemya. (Josephine Patricio)