Advertisers

Advertisers

Pasaway na motorcycle at bicycle riders huhulihin sa Parañaque

0 250

Advertisers

NAGSIMULA na nitong Lunes na manghuli ng mga pasaway na motorcycle at bike riders ang Parañaque City Traffic Enforcement Office na lalabag sa bike lanes na ipinatutupad ng pamahalaang lungsod.
Istrektong ipapatupad ng Parañaque ang bike at motorcycle lane sa magkabilang side ng Sucat Road ng lungsod.
Ang naturang lane ay magsisimula sa Sucat interchange hanggang sa SM Sucat sa Brgy San Dionisio vice versa.
Ayon kay Mario Jimenez, Public information office chief, ipinag-utos na ni Mayor Edwin Olivarez ang full implementation matapos magbigay ng isang buwang palugit sa riders.
Hindi rin lusot ang 4wheeled vehicle na paparada sa naturang lane.
Sinabi ni Olivarez na may mga loading at unloading zone na pwedeng gamitin, subali’t hindi tatagal ng minuto upang mapanatiling open ang mga nabanggit na linya.(Gaynor Bonilla)