Advertisers
NAGREREKLAMO na ang mga may-ari ng sabungan at maging ang mga gamefowl owner dahil sa pagsulputan ng online sabong na namamayagpag kahit ipinagbabawal pa ng gobierno ang sabong dahil sa pandemya ng covid-19.
Ang online sabong ay ginagawa sa mga saradong sabungan, walang nanonood kundi ang mga nagbibitaw, nagkakaryo, nagtatari at cameramen lang ang nandoon.
Ang labanan ng manok ay mapapanood kahit sa celfone, buksan mo lang ang website nila. At ang pustahan ay via GCash, PayMaya at iba pang credit cards.
Hindi lang sa Pilipinas ang abot ng operasyon nito kundi maging sa ibang bansa. Limpak-limpak, milyon-milyong piso o dolyares ang kinikita rito ng nagpapa-online sa-bong.
Ang numero unong namamayagpag rito ay si Atong Ang, ang kilalang gambling lord na dating operator ng Jai-Alai at ‘Virtual 2’ bago pa maisipan niya ang online sa-bong.
Actually may franchise na ito. May mga tayaan na nga ito sa Metro Manila at mga probinsiya. Pero ipinagbaba-wal pa itong mag-operate dahil nga sa covid-19 pandemic. Pero dahil sa mahusay “maglagay” sa mga opisyal ng PNP at LGUs itong si Atong at “dikit” pa kay Pangulong Rody Duterte ay nakakapag-operate ito ng pasekreto.
Ang pangamba ngayon ng mga may-ari ng farm ng gamefowl at mga sabungan ay baka wala nang pumunta sa kanilang sabungan kapag pinayagan na ang operasyon ng sabong dahil nasanay na ang mga sabungero tumaya sa online, kungsaan kahit sa opisina ka ay maari kang tumaya.
Dito sa online sabong nauubos ang kinikita ng mga OFW na sabungero partikular ang seafarers na karamihan ay adik sa sabong.
Walang kinikita ang gobierno sa online sabong. Wala kasing resibo ito. Si Atong Ang lang ang lalong yayaman dito. Mismo!
Si Atong Ang ay sinasabing adviser ni Pangulong Duterte sa mga sugal. Ganun?
***
Naiibang gambling lord talaga si Atong Ang. Lahat na yata ng naging presidente sa bansa ay nasandalan niya sa mga pasugal niya, ligal man o iligal.
Noong panahon ni FVR, pinasok niya ang Jai-alai. Namayagpag din siya nung panahon ni Erap Estrada, ‘yun nga lang nag-away sila ni Chavit Singson dahil sa agawan ng teritoryo na naging dahilan ng pagka-impeach ni Erap. Nakulong noon si Atong. Napawalang-sala lamang siya nang may naibalik siyang pera sa gobierno, kungsaan halos naubos ang kayamanan nito.
Ngunit madaling nakabawi si Atong nang makalaya sa panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo hanggang kay PNoy, mga iligal na pasugal parin ang kanyang ginawa tulad ng “virtual 2”.
Lalong lumakas si Atong sa pagpasok nitong Duterte administration. Sinasabing ginawa siyang adviser ni Digong sa mga sugal. Dito niya inilunsad itong online sabong na abot sa iba’t ibang bansa, na ang mga parokyano ay OFWs na sabungero.
Again, dahil sa pamamayagpag ng online sabong, nanganganib na tuluyang magsara ang mga sabungan at malugi ang mga farm ng gamefowl.
Sa online sabong kasi, kahit pipitsuging manok ay puedeng ikasa dahil ‘di naman nakikita ng personal ng mga mananaya ang mga tinarian. Tindig ng manok lang ang tinitingnan rito ng mananaya. Suertehan nalang ika nga!