Advertisers

Advertisers

Lalaking nasa bahay walang face mask, hinuli

0 276

Advertisers

NAGREKLAMO ang isang lalaki nang hulihin ng mga tauhan ng barangay sa loob mismo ng kanilang compound dahil wala itong suot na face mask.
Ang nagrereklamo ay si Jomil Ejona, driver, ng Brgy. Marcelo Green sa Parañaque.
Giit ni Ejona, nasa loob na siya ng kanilang kwarto at kagagaling lang sa paliligo nang masita ng mga taga-barangay na nagtungo sa kanilang boarding house para magdala ng pagkain sa ilang kasama ng lalaki na naka-isolate
Ayon naman sa mga brgy. tanod, kinakailangan paring mag-mask ni Ejona dahil marami silang iba’t ibang pamilya na nakatira sa nasabing boarding house na maaring magkahawahan kung hindi mag-iingat at common ang comfort room ng tinitirahan ni Ejona.
Napag-alaman din na kagagaling lang noon ni Ejona sa pagkakaroon ng COVID-19 at naka-isolate parin subali’t hindi na ito nagsusuot ng face mask.
Nagmamatigas parin diumano si Ejona kaya minabuti ng barangay na ipasa na sa munisipyo ng Parañaque ang naturang sitwasyon.(PFT team)