Advertisers

Advertisers

DILG hiling na mabigyan ng hazard pay ang mga bgy. employees

0 256

Advertisers

Hinimok ng Department of Interior and Local Government( DILG) Usec. Martin Diño ang mga Local Government Units (LGUs) na bigyan ng hazard pay ang mga empleyado ng barangay.
Ayon kay Diño na hindi kasama sa listahan ang mga brgy. official sa benepisyo at kumpensasyon na nakapost sa website ng Department of Budget and Management (DBM).
Binigyan-diin ni Diño na ang mga brgy official at brgy employee ay nagsisilbing frontliners ngayon pandemya.
Giit pa ni Diño na mahalaga aniya ang trabaho ng mga ito ngayon pandemya lalo nat sila ang nagbibigay ng quarantine pass.
Sa datos ng Department of Health (DOH) nasa 1,000 na ang brgy employee na ang tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa at 500 sa mga ito ang namatay na. (Josephine Patricio)