Advertisers

Advertisers

DepEd sa teachers: Dahan-dahan lang sa pagbibigay ng assignment sa students

0 247

Advertisers

NAGPAALALA ang Department of Education (DepEd) sa mga guro na maghinay-hinay sa pagbibigay ng mga takdang-aralin kahit pa blended learning.
Ayon kay DepEd Usec. Diosdado San Antonio, ito ay dahil na rin sa reklamo ng mga magulang na nahihirapan sa mga modules ng mga estudyante.
Aniya, nag-aadjust pa ang mga estudyante na posibleng makaranas na rin ng burn out.
Paliwanag pa ng opisyal, alinsunod sa Department Memorandum 392, dapat limitahan ang mga takdang aralin tuwing weekdays lamang at walang gagawin ang mga estudyante kapag weekends.
Nag-sorry din ang DepEd matapos mag-viral ang ilang mga errors sa modules, at nangako na aayusin ang mga ito.
Kailangan na rin umanong kumuha ng mga inspector na magche-check sa mga modules. (Jonah Mallari)