Advertisers

Advertisers

5 sangkot sa TelCo scam, timbog!

0 699

Advertisers

NAKABANTAY ngayon ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) para hindi makalabas ng bansa ang 5 katao, kabilang ang isang Chinese national na umano’y may-ari ng isang TelCo na nang-akit ng investors na maglagak ng puhunan para magsilbing bagong network provider sa bansa.
Kinilala ng mga awtoridad ang Chinese national na si Neng Shen Sy; at ang 4 Pilipinong sina Mark Glenn Sy, Felisa Sy, Stephen Sha, at Ronald Fesalbon.
Nabatid na nagpakilala ang mga ito na kinatawan at may-ari ng Pil-Chi Telecoms Inc., na umano’y may tanggapan sa Binondo, Maynila.
Isang Chinese national din ang naengganyong maglagak ng aabot sa P100 milyon, pero kinalauna’y di na nagparamdam ang mga suspek, kaya’t naisipan na niyang magsampa ng reklamo laban sa mga ito.
Dahil dito, nagpalabas ng hold departure order at warrant of arrest si Pasay City RTC Presiding Judge Rowena Nieves-Tan kaugnay sa kinakaharap na kasong Syndicated Estafa na walang inirekomendang kaukalang piyansa.
Patuloy pang hinahanap ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng limang suspek.(James de Jesus)