Advertisers

Advertisers

13th month ‘di puede ipagpaliban – Palasyo

0 258

Advertisers

HINDI pwede na maipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa ngayong Pasko.
Sinabi ito ng Palasyo matapos sabihin ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maaring ma-defer ang pagbibigay ng 13th month pay ng mga kumpanyang “in distress” ang kalagayan dahil sa COVID-19.
Pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, may umiiral na batas na nagsasaad na obligado ang pagbibigay ng 13th month pay.
“The law has not been amended. That is the law, that is the mandatory provision of the Labor Code,” pahayag ni Roque.
Sa ngayon, hindi pa aniya naamyendahan ang naturang batas.
Pero sa ngayon, sinabi ni Roque na mas makabubuting hayaan muna ang Department of Labor and Employment (DOLE) na pag-aralan ang naturang isyu. (Vanz Fernandez)