Advertisers
Welcome para kay Senator Christopher “Bong” Go ang resolusyon ng United Nations Human Rights Council na tumulong sa Pilipinas na tugunan ang usapin sa karapatang pantao, lalo sa giyera ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Ayon kay Go, ang resolusyon ay magbibigay daan sa mas malalim na pagtutulungan at positibong hakbang upang masugpo ang salot na iligal na droga sa bansa.
Sinabi ng senador na ang Pilipinas ay mayroon nang kinakailangang mga mekanismo at gumaganang institusyon, kagaya ng malayang sistema sa hudikatura at ang nasabing resolusyon ay lalo pang magpapalakas sa mga ito.
“I believe that we have the necessary mechanisms and functional institutions, including an independent judiciary. This will be a step in the right direction as this offer of technical assistance to the Philippines will further strengthen these mechanisms and institutions,” ani Go.
“We have a robust and active democracy with an elected government which continues to enjoy the trust and confidence of the vast majority of our people,” dagdag niya.
Inihalimbawa niya ang ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency na nang simulan ang kampanya laban sa droga noong July 2016 hanggang sa pinakahuling datos nitong Agosto ng kasalukuyang taon, nasa 176,777 anti-illegal drugs operations ang isinasagawa at 256,788 katao ang naaresto.
Sa nasabing panahon, umaabot sa 620 drug dens at clandestine laboratories ang nabuwag at 3,322 kabataan na 7 hanggang 17-anyos ang nailigtas sa anti-drug operations.
Iginiit ni Go sa international community na patuloy na labanan ang illegal drug trade lalo’t itinuturing ng global community na isa itong transnational character.
“As President Duterte said in his first address to the UN General Assembly, open dialogue and constructive engagement with the United Nations is the key,” ani Go.
Ang UNHCR resolution ay panukala ng mga bansang Pilipinas, India, Nepal, at ng iba pang UNHRC non-members, gaya ng Hungary, Iceland, Norway, Thailand, at Turkey.
Sa ilalim ng resolusyon, hiniling kay UN Rights chief Michelle Bachelet na magkaloob ng suporta sa gobyerno ng Pilipinas na patuloy na tinutupad ang pandaigdigan nitong obligasyon para sa karapatang pantao.
Magpopokus ang UNHRC sa domestic investigative at accountability measures, data gathering sa mga police violations, pakikipag-ugnayan sa civil society at sa Commission on Human Rights.
Tatalakayin din nito ang mekanismo sa pag-uulat at pag-follow-up, counterterrorism legislation at human rights-based approaches sa pagkontrol sa droga.
“Since Day 1, the Duterte administration vowed to protect the rights of the Filipino from the evils of illegal drugs, criminality and terrorism. I look forward to more meaningful engagements with other countries and international bodies as we continue to provide a safe and comfortable life for all Filipinos,” ani Go.
Bilang senador, sinabi ni Go na patuloy niyang sinusuportahan ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs sa pamamagitan ng paghahain ng mga panukalang batas na magpapalakas sa enforcement bodies at justice system.
Noong July 2019, naghain siya ng Senate Bill 399 na layong magtayo ng drug abuse treatment at rehabilitation centers sa bawat probinsiya na patatakbuhin ng Health department.
Aniya, sa paglaban sa droga ay dapat ding bigyan ng direktang atensyon ang rehabilitasyon at paggaling ng drug victims. Ang drug dependents aniya ay ikinokonsiderang mga biktima ng drug trade.
“Habang walang humpay ang kampanya natin kontra sa mga kriminal na sangkot sa mga drug-related na krimen at sa mga sindikatong involved sa illegal drug trade, kailangan din nating tulungan at sagipin ang mga drug dependents na naging biktima ng kanilang adiksyon sa bawal na gamot,” sabi ni Go. (PFT Team)