Pinatay sa social media… Dating sexy actress Anna Marie Gutierrez, buhay at matagal nang nasa New York
Advertisers
Ni PETER LEDESMA
DAHIL uso ang social media ay malakas ang impluwensiya nito sa publiko na paniwalaan ng mga nakakabasa o nakakapanood ng mga balita rito. Kaya kahit fake news pinaniniwalaan depende na lang kung may magbibigay linaw sa isyu. Tulad ng nangyari sa Best Actress awardee na dating sexy actress na si Anna Marie Gutierrez na matagal na pinatay sa social media. Dalawang blogger ang gumawa ng istorya sa umano’y dahilan ng maagang pagpanaw ng actress na ang sanhi raw ng kamatayan ay habang nanganganak ay binawian ng buhay dahil sa komplikasyon sa puso.
At bilang pruweba ay nagpakita pa sila ng puntod ni Anna Marie na nakahimlay raw sa Arizona, USA. Pero hayan at lumantad na si Anna Marie sa kanyang FB at active siya rito at buhay pala ang actress na hinangaan sa mga pelikulang Takaw Tukso at Unfaithful Wife noong 1986 na pareho siyang nagkamit ng Best Actress Award sa GAWAD Urian at ang tumabo nang husto sa takilyang pelikulang “Scorpio Nights” kasama sina Orestes Ojeda at Daniel Fernando na gobernador na ngayon ng Bulacan.
Friend namin ngayon sa Facebook si Anna Marie at nitong Miyerkules ng gabi ay amin siyang naka-chat at agad naming kinumusta ang buhay niya sa New York. Maayos daw sila ng only daughter niyang si Megan na 13 years old na.
Nang tanungin namin kung bakit bigla na lang siyang umalis during her popularity ay ito ang naging tugon ni Anna Marie, “I left for many reasons, I want try to have a normal life , start a family. I think my exit was just the right time. New faces are coming and I want to leave at the height of my popularity. You take care guys. Keep up on smiling-Love.” Yes well educated itong si Anna Marie na tuwing ini-
iterview ng press noon ay englisera talaga kaya biniro namin ang actress na real at hindi fake na Anna Marie Gutierrez ang aming kausap dahil aware kami sa pagiging mahusay niyang magsalita
ng English.
Ilan pala sa nagpaabot ng mensahe kay Anna Marie na masayang malaman
na buhay siya ay ilan sa kapwa actress na nakasama sa movies na sina Jaclyn Jose at Jennifer Papillero(Sarsi Emmanuel) also Angela Perez. Next time ay aming tatanungin ang actress kung nami-miss ba nito ang showbiz.
***
Kahawig Ng Orig Na Macho Dancer Na Si Allan Paule! Sean De Guzman Bagong Macho Dancer Ni Direk Joel Lamangan
Last Wednesday with safety protocol, ay pormal ng ipinakilala sa physical press conference ang bagong macho dancer na title roler sa pelikulang “Anak Ng Macho Dancer” na si Sean de Guzman na miyembro ng all-male dance group na Clique V.
At may pasabog agad si Sean sa entertaiment press sa kanyang all-out production number na feeling mo ay nasa loob ka ng Gay bar at pinanonood mo ang pagkahusay-husay na macho dancer at walang charot the best sa kanila si Sean na sobrang lambot ng katawan. At kung may Lino Brocka si Allan Paule ay may Direk Joel Lamangan naman si Sean na siyang magdi-direk ng unang pagbibidahang pelikula na produced ng actor-businessman na si Joed Serrano na first time magbe-venture sa film under his independent movie outfit The Godfather Productions at join din si Madam Grace Ibuna bilang business consultant sa said movie outfit ng kaibigang si Joed na naniniwalang kahit may pandemic ay may venue ang pelikula nila for showing na totoo naman.
Samantala aprub kay Direk Joel ang napiling si Sean at inamin ng dekalibreng director na may pressure sa kanya ang project na ito. “Grabe ang pressure sa akin dahil si Direk Lino Brocka ang nagdirek noon. Pero look at Sean de Guzman, marami siyang anggulong hawig kay Allan Paule and this boy can dance and act,” artista rin ni Direk Joel si Sean sa
gay movie na Lockdown. “Excited ako na kinakabahan. Kasi maganda ang pagkagawa ni Direk Lino ng original kaya dapat mapantayan ko man lang,” dagdag pa ni Lamangan na marami raw surprise scenes sa movie nilang ito ni Sean na wala raw limitasyon ang baguhang actor-dancer.
Ang kilalang scripwriter ng ABS-CBN na si Henry King Quitain ang susulat ng istorya ng Anak ng Macho Dancer at may blessing raw siya sa tatay-tatayang si Ricky Lee na original na scriptwriter ng 1988 Macho Dan-
cer.
Para naman kay Sean, gagawin niya ang lahat para sa ikagaganda ng pelikula na pwedeng mapansin sa ibang bansa at tatatak sa industriya at publiko. Sa nasabing presscon ay ipinakilala rin si Sean bilang bagong endorser ng Blackwater. Si Mama Jobert Sucaldito ang publicist ng The Godfather Productions at well attended ang ipinatawag nitong presscon ha, pero infairness pinatupad talaga niya ang social distancing nakabantay siya to death, sa lahat para walang magkasakit.