Advertisers
PUMALAG ang ilang mga senador kaugnay sa plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na deferment o pagpapaliban sa pagbibigay ng 13th month pay ng mga empleyado sa gitna ng coronavirus pandemic.
Ayon kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi dapat masakripisyo ang pangangailangan ng mga manggagawa na sila umanong mas naghihirap kompara sa mga “capital providing employers.”
Sa panig ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dating naging kalihim ng DOLE, ang pagpapairal sa batas na Presidential Decree No. 851 para sa paglabas ng 13th month pay ay hindi pinapayagan na magkaroon ng exemption.
Hindi rin aniya valid ang paglilinaw ng DOLE na maaaring magkasundo sa pamamagitan ng dialogue ang employers at kanilang mga empleyado.
Una na rin nanawagan si Sen. Joel Villanueva na dapat kumonsulta ang DOLE sa mga stakeholder upang makapagbigay ng “win-win” solution sa gitna ng pandemya.