Advertisers

Advertisers

P680k shabu nasabat sa menor de edad

0 291

Advertisers

NASA 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 ang nasabat ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Barangay Nangka, Marikina City nitong Sabado ng gabi.
Kinilala ang naaresto na si alias Bara, 15 anyos, residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Sa ulat, nahuli si Bara sa buy-bust operation sa bahagi ng JP Rizal St., corner Buenmar St., Brgy Nangka.
Nakumpiska kay Bara ang 20 piraso ng medium heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may halagang P680,000.00.
Agad dinala sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang binatilyong tulak.(Gaynor Bonilla)