Advertisers

Advertisers

Metalgear Towing Services sa Maynila, ligal o iligal?

0 293

Advertisers

DAPAT palayasin sa Maynila ni Yorme Kois itong Metalgear Towing Services na nag-o-operate sa lungsod.

Walang kabutihang maidudulot sa napakagandang imahe mo, Yorme, ang towing na ito. Wala itong maitutulong na mabuti sa gobyerno ng Maynila. Puros kasiraan at mura ang aabutin mo sa mga biktima ng towing na ito na namumugad sa may Adriatico St., Malate, likod ng Manila Zoo.

Ang Metalgear Towing Services ay walang maitutulong para mawala ang illegal parking sa mga pangunahing kalye ng lungsod. Wala rin itong maipapasok na malaking salapi sa kaban ng Maynila.



Mas makabubuti na clamping ang ipatupad ninyo laban sa illegal parking. Sigurado pang sa kaban ng Maynila papasok ang lahat ng multa mula sa mga illegal parking.

Itong Metalgear Towing Services na nag-o-operate kasama ang ilang matatangkad na enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ay umiikot mula umaga hanggang hapon sa buong Maynila. Pinipili lang nito ang mga hahatakin. Pera lang ang hanap nila, hindi serbisyo o pagdisiplina sa mga motoristang walang sariling garahe.

Mantakin mo ang tubos sa kotse at SUV ay mula P3,500 hanggang P6,000. Sa isang araw kaya nilang manghatak ng hanggang 500 sasakyan. Magkano ‘yun? Milyones! Tapos ang mapupunta sa City hall ay barya-barya lang!

Sabi ng mga opisyal sa Manila City Hall, walang towing sa Manila, clamping lang. Kung ganun… bakit malayang nakapanghahatak ang mga towing truck nitong Metalgear?

Sinasabing sa MMDA daw accredited itong Metalgear Towing Services, e bakit pag nanghatak sila ay mga taga-MTPB motorcycle unit ang kanilang mga kasama, ‘di mga taga-MMDA?



MTPB Director Dennis Viaje, alam mo ba ito? Ayaw kong isipin na namamantikaan ka ng kita nitong perwisyong towing na ito. Pero bilang hepe ng MTPB, imposibleng wala kang alam dito. Mismo!

Kung walang towing operation ang MTPB, dapat ipa-huli nyo, Direc. Viaje, ‘yang Metalgear Towing Services at sibakin ang mga tauhan nyong nag-o-operate kasama ng mga towing truck ng nabanggit na kumpanya. Mismo!

Ngayon, kung talagang mayroon kayong towing operation sa MTPB, inginunguso ko sa inyong i-operate ang harap ng Bureau of Immigration sa may Intramuros. Dahil triple na ang illegal parking dito. Di ko alam kung kaninong bulsa napupunta ang bayad sa parking dito.

Dumako rin kayo sa may Zaragoza St., Delpan, Tondo, mula Gat Andres Hospital hanggang Almario Elem. School, grabe ang obstructions/illegal parking dito. Now na!

***

Napakalawak na pala ng naaabot ng website (policefilestonite.net sa Google) at Page sa Facebook ng Police Files Tonite. Mantakin mo daan-daang libo ang nare-reach na readerships nito. May isang istorya pa kami tungkol sa rape sa mag-ina sa Aglipay town, Quirino Province na halos 5 million na ang na-reach ng readership. Lupet noh?

Salamat nga pala kay Aglipay Municipal Police Station commander Capt. William Agpalza sa pagsagot sa tawag ko sa kanya nitong Linggo ng tanghali regarding sa mga detalye sa naturang napaka-baboy na rape case.

Nilinaw ni Capt. Agpalza na dalawang beses nga na-rape at nabuntis ang 17-anyos na biktima ng sariling ama at dalawang tiyuhin nito, habang ang ina naman ay ginagahasa ng sariling kapatid. Nakasuhan na ang mga buhong.

Case closed na ito.