Advertisers

Advertisers

MAGINOONG KASUNDUAN?

0 221

Advertisers

ANG isang kasunduan, sa maginoo mang paraan ay puwede namang baliin o hindi isakatuparan kung maililigtas nito sa kapahamakan ang mamamayan.

Sa aspeto ng pamilya, kahit na may usapang lalaki ang dalawang ama na ang kanilang anak na lalaki at babae ang magkakasama sa buhay sa takdang panahon ay maari namang di matupad lalo kung masama ang naging ugali ng isa na magiging kalbaryo naman sa kanilang pagsasama.

Sa larangan ng boksing, puwede namang di matuloy ang kasunduang rebanse o rematch matapos ang unang bakbakan kung talagang walang laban o bugbog-sarado ang isa lalo kung no-match at olats na eh switik pa.



Sa hanay ng pulitika hindi naman batas ang kasunduan ng dalawang gentlemen para patunayan lalo na kung kapahamakan ng bayan na ang taya diyan. Sa nangyayaring tug-of-war sa Kongreso ngayon, nakataya dito ang kapakanan ng sambayanan.

Sina Cong. Alan Peter Cayetano at Lord Allan Velasco na kapwa raw malapit kay PRRD (matagal na iyong una at kailan lang iyong huli) ay may kasunduan sa pagiging Speaker of the House na magpapalitan sa nalalabing termino ng Pangulo.

Nauna ang gentleman from Taguig na maging ‘Speaker at mag-aantay lang ang ginoo mula Marinduque. Ang naging bentahe, ginalingan ni Speaker Cayetano kaagapay ang mga lumutang na mahuhusay na bagito at beteranong Kinatawan ng Mababang Kapulungan na mistulang naungusan ang taga Upper Chamber kung performance level para sa bayan ang pag-uusapan.

Sa timon ni Speaker Alan Peter, matalino nilang natugunan ang mga kailangang isabatas para sa kapakanan ng bayan lalo nang sa di inaasahang panahon ng pandemya sa aspeto ng kalinga at ayuda sa mamamayang sinasalanta ng di nakikitang kalaban.

Abala sa pagtalima si Speaker sa direktiba ni Presidente Duterte partikular ang mga ‘urgent na desisyong naging madali ang implementasyon dahil sa pakikiisa ng karamihan maliban sa iilang kritikong Kinatawan. Habang kandaugaga sina Speaker et al sa plenaryo kahit nakataya ang kalusugan ng bawat isa sa kanila ay petiks lang ang next in line sanang si Cong. Lord na kampante sa sarap-buhay kung saan man siya naroon noon at puro liban sa session para makiisang labanan sana ang krisis ng bayan at wala man lang siyang pakialam basta antay lang sa kasunduang siya na ang papalit sa pangarap niyang maging Speaker na bulgarang ikinatutuwa ng mga kalabang oligarko at isinusukang oposisyon.



Sa likod ng kanyang mga ngisi at hilatya ng pagiging isang elitista ay naroon ang balatkayong kakampi raw ni Lord ang Pangulo at kapartido kaya itinitimo niyang nadenggoy silang dalawa ni Speaker Alan na ayaw na raw bumitaw.

Batid ng mayorya na may ITIM na balak ang mga DILAW (oposisyon), PULA (komunista), BUGHAW (oligarko) at PUTI (kaparian) kapag naisahan nila si PDIgong at naisalpak ang manok nila sa House of LORD ay piyesta uli ang mga mantikadong nguso sa alta sosyedad nila habang gapang na naman ang mga pobreng kumain-dili sa bayan ni JUAN.

Pero di mangyayari ang balak na iyan. Di ninyo madedenggoy si Mayor (PRRD) kailanman….Go lang Speaker Cayetano..you’re still the man… ABANGAN!!!