Advertisers

Advertisers

Erich deadma na panakip-butas lang kay Ivana; Angel walang paki na sabihang aparador byuti

0 285

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MULING lumabas ang larawan ni Angel Locsin na kuha ng isang netizen sa taping ng show ng aktres.

Nakuhanan ng larawan si Angel sa isang simbahan sa Caloocan habang nagte-taping.



Maraming nagulat na netizen sa paglobo ng katawan ni Angel.

Dati na ring may lumabas na piktyur si Angel na pansin na tumaba ito pero sa latest pic  ay talagang triple ang paglaki ng katawan ng aktres.

Kaya may mga follower ang dating Darna na nagbanta na huwag nga raw nila mapipintasan ang pangangatawan ng kanilang idol at handa  nila itong ipaglaban.

Sa kabila ng paglapad ng katawan ni Angel eh angkin pa rin nito ang kagandahan na hindi nagbago.

Ayon sa netizens ay napabilang na raw si Angel sa mga aparador beauties.



Wala namang keber at paki si Angel kahit pa sabihan na sobrang tama.

***

WALANG paki si Erich Gonzales  kung naging second choice ito sa bagong serye na La Vida Lena.

Si Ivana Alawi sana ang lead actress sa nasabing serye na makakasama sina Carlo Aquino, JC De Vera at Kit Thompson.

Malamang na dahil sa pandemya kaya maraming artista ang nag-atrasan  dahil sa kanilang kalusugan.

Ilan na ba ang umayaw na dinahilan na ayaw isaalang- alang ang kanilang health  tulad nina Nadine Lustre at Julia Montes para sa Burado na pinalitan nina Angelica Panganiban at Arci Muñoz na may titulo na Walang  Hanggang Paalam.

Umatras din si Julia Barretto sa Cara y Cara dahil din sa pandemya.

Kahit si Bea Alonzo ay isinaalang-alang din ang kalusugan kaya atras din ito sa bago sana nitong serye.

Kaya itinuring ni Erich ang dumating na project na isang big blessing ngayong pandemic.

Well, well, well…’Yun na!