Advertisers

Advertisers

DOH: Phase 3 ng Covid-19 vaccine trials isasagawa sa Nobyembre

0 234

Advertisers

HANDA na para sa phase 3 clinical trials sa bansa ang COVID-19 vaccine sa darating na Nobyembre. Ito inanunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) Sub Technical Working Group (sub-TWG) kung saan ang COVID-19 Vaccine Development ay pamumunuan ng Department of Science and Technology (DOST) kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno.
Dahil ang trials ay isang scientific research at development initiative, ginawa ng IATF sa kanilang Resolution No. 39 na may petsang May 22, 2020 ang DOST bilang mamumuno.
Ang DOST ang siyang chair ng sub-TWG on COVID-19 vaccine development kabilang ang iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Health (DOH), Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Trade and Industry (DTI).
Ang iba pang miyembro ng sub-TWG ay kinabibilangan ng Food and Drug Administration (FDA) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na kapwa nasa ilalim ng DOH at ang National Development Company (NDC) sa ilalim ng DTI.
Matapos ang malalim na review ng clinical trial applications, ito ay isusumite sa FDA para sa huling pagpasa.
Ang vaccine trials ay maari ng magsimula matapos ang FDA regulatory review and approval ng conduct ng clinical trials. (Andi Garcia)