Advertisers

Advertisers

Criminology stude todas sa bus

0 225

Advertisers

PATAY ang 19-anyos na criminology student nang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang bus sa Barangay Las-ud, Tagudin, Ilocos Sur, Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Lemuel Callejo, binata, residente ng Brgy. Becquez ng naturang bayan.
Sumuko naman sa pulisya ang driver ng Partas Bus na si Vic Iglesia, 43, may asawa, residente ng Tanolong, Bayambang, Pangasinan.
Sa ulat, patungong hilagang direksyon ang motorsiklo na minamaneho ni Callejo nang napagawi ito sa kabilang lane at saktong padating ang bus kaya sinalpok ang biktima.
Agad na itinakbo sa Ilocos Sur District Hospital ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.(PFT team)