Advertisers
MATAAS ngayon ang naitalang bilang ng mga gumaling sa sakit o recoveries mula sa Covid-19.
Base sa case bulletin no. 211 ng Department of Health (DOH), nasa 17,057 ang recoveries ngayong Linggo, October 11, kaya sumampa na sa 293,075 ang Covid-19 recoveries dahil na rin sa isinagawang Oplan Recovery ng kagawaran.
Sa kabila nito, 2,502 naman ang nadagdag sa mga kaso dahilan para umabot na sa kabuuang 339,341 ang kumpirmadong kaso sa bansa.
Gayunman, ang aktibong kaso ay bumaba na sa 39,945.
Ang 2,106 mula sa bagong kaso ay nangyari sa nagdaang 14 na araw mula September 28 hanggang October 11.
Nangunguna pa rin ang NCR sa may naitalang mga kaso na may 650, Region 4A na may 492 at Region 3 na nakapagtala ng 203 kaso.
Ang deaths naman ay umabot na sa kabuuang 6,321 matapos madagdagan ng 83 deaths.
May 87 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 35 dito ay recovered cases.
Samantala may 41 na kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)