Advertisers
HIGIT sampung mangingisda ang nawawala at pinaghahanap ngayon ng Philippine Coast Guard nang tumaob ang kanilang fishing boat sa Infanta, Pangasinan.
Ayon kay PCG Spokesperson, Commodore Armand Balilo, sakay ng F/B Aqua Princess ang 16 crew kabilang ang kapitan at crew na sina Pedro Manalo Jr, 39; at Jerby Regala, 26.
Nabatid na tumaob ang fishing boat noong Miyerkules ng hatinggabi at nitong Sabado ay inatasan ng kapitan sina Manalo at Regala na humingi ng saklolo gamit ang kanilang service boat.
Dumating sa Cato, Infanta ang dalawang mangingisda kungsaan ini-report sa PCG substation Infanta ang pangyayari para sa search and rescue operation.
Ayon sa KPCG District Northern Luson idineploy narin ang mga tauhan ng PNP at LGU rescue team ng Infanta para sa paghahanap sa nawawalang mga mangingisda. (Jocelyn Domenden)