Advertisers
LA UNION – Hindi na uma-bot ng buhay sa pagamutan ang tatlong menor de edad na mistulang nalitson matapos silang tamaan ng kidlat habang naliligo sa dagat sa bahagi ng Barangay Lingsat, San Fernando City, La Union.
Ayon kay Lt. Col. Orly Pagaduan, hepe ng San Fernando City Police Station, kabilang sa mga nasawi ay ang magkapatid na Ivan Eunicer, 18; at Tristan Apayyo, 15; at ang kanilang pinsan na si Rhian De Guzman, 17; habang patuloy na ginagamot ang isa pa na si Patrick De Guzman, 21.
Una rito, masayang lumalangoy ang mga ito sa dagat nang tamaan ng kidlat habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan.
Nabatid na halos malapnos at masunog ang balat ng mga biktima sa lakas ng kuryente ng kidlat.
Babala ng pulisya:Huwag lumabas ng bahay at gumala kapag malakas ang ulan na maaring magkaroon ng malakas na kidlat. (Rey Velasco)