Advertisers

Advertisers

Tonz Are excited na sa pagbibidahang pelikulang Balud

0 419

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

MASAYA ang award-winning indie actor na si Tonz Are dahil kaliwa’t kanan na naman ang dumating sa kanyang projects, kahit na may pandemic pa rin.



Kabilang dito ang bagong pelikulang pagbibidahan niya titled Balud. Parang prequel ito ng Rendezvous na tinampukan din ni Tonz.

“Sobrang happy ko po sa pagdating ng maraming projects. Kaya todo work-out ako ngayon para kapag nag-shoot na ay fit na ang body ko,” saad ni Tonz.

Aniya pa, “Iyong Balud, lead ako rito, mag-start na kami this October po, ilalaban po siya for film festival… sa direksyon pa rin po ni direk Marvin Gabas.

“Konektado rin po siya sa movie ko na Rendezvous, ipapakita kasi kung saan nagmula si Balud at muling umahon…

“Sa Rendezvous po ako nanalo ng mga award, I won four awards po rito. Best actor sa 1st Gawad Amerasia International in Hollywood, USA, Best Actor sa 1st SouthEast Asian International Achievement awards, Best Actor sa Star Buzz awards, at Best Supporting Actor sa Fifth Singkwento International Film Festival.”



Nabanggit din ng actor/businessman ang ilan pa sa mga gagawin niyang proyekto.

Wika ni Tonz, “Magkakaroon din ako ng online series po, ito’y under Daydreamer Production na ang title ay Plandemic and isang online series din under PMMTP and Knightvision Entertainment Production, mapapanood po ito sa YouTube channel. At itong SIBIKATUWAAN sa direksiyon po ni Marvin Gabas and prodyus naman  ni mommy Ayen Infante, owner ng PMMTP.

“And abangan din nila soon, may niluluto rin na project sa akin, iyong Diego Visayas sa direksiyon ni Rene Wilson. This year na rin po siya… plus yung Film City Apps po-mapapanood na rin all my films po rito. Ang launching nito ay this year…

“Nagpapasalamat din ako kay direk Carlo Alvarez and Sah Lageler.”

Pahabol pa ni Tonz, “And im so blessed din, kasi ang dami kong endorsements. Nais ko pong pasalamatan si doc Abraham Culbengan ng A Beautiful Expression, Kishaki Essential, si sir Rheyniel Flores na founder/CEO ng Kishaki Essentials, VG’s Cebu lechon-kay mam Michelle Sanchez, Jades Shawarma, Princess de Pedro Milktea, Doc Elloraine de Pedro Abao, Minette’s Pharmacy, Five Beauty salon and spa, Street Clothing Company, Daydreamer Production, Takoyaki Sandkyodai, at Doc Vincent Lao.

“Don’t forget din po ang business kong Balud Milktea, Tonz Tapsilogan, and Artizent Perfumes,” nakangiting hirit pa ni Tonz.