Advertisers
Hindi lang siya butihing asawa ni Sec Jesse Robredo at mapagmahal na ina nina Aika, Tricia at Jillian. Hindi lang isang magaling na abogadong tumutulong sa mga magsasaka, mangingisda, kababaihan at iba pang mga nasa laylayan ng lipunan noon pa man.
Hindi lang isang mapagkalingang lider sa lahat ng ating mga kababayan lalo na sa panahong may pandemya.
Hindi lang isang magiting na pinuno na tunay na may patriotismo. Hindi lang matatag at magaling na VP na may totoong tapang na harapin ang ano mang pagsubok para maiangat ang buhay ng mga Pilipino. Hindi rin madidiktihan ninuman Hindi ng Tsina o sino mang pulitiko.
Higit sa lahat ay may takot sa Diyos at walang dudang mabuting tao.
Hindi maepal. Hindi mayabang. Hindi bolera. Hindi palamura. Hindi kurap.
Yan ang ating Busy Presidente Leni G. Robredo! Simple sa pamumuhay nguni’t napakasipag sa pagserbisyo sa tao.
Matino, mahusay at may puso para sa Pilipino. Maganda pa… hangarin sa sambayanan.
Ang iilan lang ang nakakaalam ay game si VP Leni pagdating sa sports. Paborito niya ang table tennis. Bago nga ang COVID 19 ay nagpingpong muna siya sa isang lugar na pinuntahan bago ang aktuwal na event. Eka nga ay hindi naiwasan nang nakakita ng mesa. Naglalaro rin siya noong kabataan ng soccer.
“Nagswiswimming din ako tulad ng mga anak ko pero di competitive,” wika sa atin ng nagpataob ng Villafuerte dynasty sa ikatlong distrito ng Camarines Sur taong 2013.
“Basketball naman ay si Jesse ang mahilig at ako tagapanood lang pati mga supling namin,” dagdag ng sponsor ng maraming mahahalagang batas noong siya ay kongresista pa.
“Si Tricia dalawang taon naging courtside reporter ng UAAP tv coverage para sa NU,” dugtong pa ng Tagapangulo ng Lapiang Liberal.
Ang OVP ay may proyekyong Istorya ng Pag-asa na nagbibigay pagpapahalaga at ayuda sa ating mga atleta gaya ni Hidilyn Diaz. May PWD rin silang mga manlalaro na inasistihan ng InP tulad ni Ernie Gawilan na lumahok sa 2016 Paralympic Summer Games.
Noong Huwebes ay nasa opisina niya ang ating grupong LEAP-Lingap at PP4GG para maghatid ng ambag sa pamamahagi nila ng mga gamit sa pang-iwas sa China veerus. Madami ang nagpunta doon na kasabay natin kasi may malaki rin silang tiwala sa Lady Engaging Nationals Impressively.
“Maraming salamat sa pakikiisa ninyo sa ating hangarin,” sabi ng marikit at mabait na serbisyo publiko.
“Ma’am kami dapat ang magpasalamat sa inyong walang pagod na paglilingkod,” atin namang sagot.
Maaari ninyong subaybayan ang mga gawain ni LGR sa pamamagitan nang pag-follow sa sarili niyang Facebook account na Leni Gerona Robredo upang kayo mismo ang makabatid kung gaano tayo kapalad na siya ang ating bise presidente. May mga post doon na personal at may kaugnay sa trabaho. Siya mismo ang nagmimintina nito.
#LiveLikeLeni(Pagsisiwalat—-tayo ay hindi empleyado o nakikinabang sa OVP, sa katunayan tayo pa ang naglalabas ng pera upang makabahagi sa mga programa ng opisina)
***
Mamayang alas nuwebe ng umaga malalaan na natin kung magkakaroon ng ikaapat na NBA na singsing si LeBron James o kung sino sisishin. Pwede ring mapaliban lamang. Hehehe.