Advertisers
Dead on the spot ang isang drug pusher habang nakatakas ang 2 kasamahan nito nang makipag- engkwentro sa mga operatiba ng Provincial intelligence Unit at Bustos Pulis sa bahagi ng NIA Road, Brgy. Malamig, Bustos, Bulacan 4:00 ng madaling araw ng Oktubre 8 2020.
Sa report na tinanggap ni Pnp Provincial Director P/Col Lawrence B Cajipe, kinilala ang napaslang na si Orlando Macaraeg, nasa hustong gulang alyas Orlando ng Oscariz St. Quiapo, Manila.
Nakuha sa insidente ang isang medium at 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu at 25 piraso ng tig-isang P1000.
Kaugnay nito patuloy ang isinasagawang follow up opertions ng mga pulis laban sa mga tumakas na suspek.(Thony D. Arcenal)