Advertisers
Advertisers
Advertisers
PUMALO na sa 334,770 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 2,996 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon ngayong Sabado, Oktubre 9.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na umabot sa 980, Region 4A na may 621, Region 6 na may 279
Nakapagtala naman ang DOH ng 1,045 na bagong gumaling mula sa covid-19. Dahil dito nasa kabuuang 275,307 na ang mga gumaling.
Nakapagtala rin ang DOH ng 83 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 6,152 na ang kabuuan.
May 95 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 21 dito ay recovered cases.
Samantala may 35 na kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)