Advertisers

Advertisers

Clinical trial ng Avigan drug ‘di pa masisimulan – DOH

0 219

Advertisers

KINUMPIRMA ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi pa rin nasisimulan ang clinical trial  sa Avigan drug.

Sinabi ni Vergeire  na hinihintay na lamang ang “insurance” para masimula ang trial ng antiviral drug na mula sa Japan.

Ayon kay Vergeire, may go signal naman na aniya para makapagsimula ang pag-recruit ng mga participant para sa trial.
 
Kapag plantsado na aniya ang lahat at maayos na ang insurance ay posibleng umarangkada na ang trial sa susunod na linggo.
 Nauna nang inihayag ni Vergeire na ngayong linggo ay maaari nang masimulan ang clinical trial para sa Avigan makaraang malagdaan na ang memorandum of agreement o MOA at ang pagsasaayos na lamang sa database ang hinihintay. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">