Advertisers

Advertisers

Batangueños na biktima ng Taal Volcano eruption, inayudahan ni Bong Go

0 598

Advertisers

Namahagi si Senator Christopher “Bong” Go, katuwang ang Department of Trade and Industry, ng pangkabuhayan packages sa mga residenteng naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Agoncillo, Batangas.

“Ito po ‘yung sinasabi kong pangkabuhayan para po makapag-umpisa po kayo. Gamitin ninyo po ito sa tama,” ayon kay Go.

Sa pamamagitan ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa program ng DTI, ang mga benepisyaryo na biktima ng Taal Volcano eruption noong Enero ay biniyayaan ng sari-sari store package. “Mga kababayan kong Batangueño, magandang umaga sa inyong lahat. Marahil nagtataka kayo kung bakit ako Batangueño, ‘di po ako ipinanganak sa Batangas, pero ang aking lolo at lola na mga Tesoro ay nagmula po sa Tanuan, ang iba po sa Sto. Tomas. So, mayroon po akong dugong Batangueño,” sabi ni Go sa isang video call. “Naalala ko po noong Enero, riyan sa Batangas, lumikas kayo sa inyong mga kabahayan dahil po sa pagputok ng Bulkang Taal. At ngayon, pinakiusapan natin ang DTI na magbigay ng pangkabuhayan. Kaya po sila nandiyan ngayon ay para magbigay sa inyo ng pampatayo ng sari-sari store,” idinagdag ng senador.



Sa ilalim ng istriktong health protocols, namigay rin ang grupo ni Go ng meals, food packs, masks at face shields. “Mayroon din po akong ipinadala na mga food pack, mask at face shield. Suotin ninyo po ito, pakiusap lang po, dahil delikado po ang panahon ngayon.

“Mag-cooperate tayo sa gobyerno at magmalasakit sa isa’t isa,” giit niya. Sinabi ng mambabatas na kapag available na ang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) ay uunahin ng gobyerno ang mahihirap at vulnerable sector.

“Kaunting tiis lang po. ‘Pag mayroon ng vaccine, uunahin namin ang mahihirap at ang mga vulnerable para makabalik na tayo sa dating normal na pwede nating mayakap ang kapwa natin Filipino.

Kapit lang po tayo, malalampasan din natin ito.

Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo lang mga kapwa kong Batangueño,” ani Go.



Namigay rin ang senador ng mga bisikleta sa piling benepisyaryo na araw-araw pumapasok at umuuwi mula sa trabaho. Hindi rin niya nakalimutang mamahagi ng ilang tablet para sa mga estudyante na magagamit sa kanilang pag-aaral.

“Mayroon din po akong ipinadala na mga bisikleta at daragdagan ko pa ito…para marami pong makagamit.” “Mayroon din po akong ipinadalang…tablets d’yan para magamit po, para sa mga anak ninyo.”

“Paalala ko lang sa mga bata, mag-aral kayong mabuti. ‘Yan lang ang maigaganti natin sa ating mga magulang,” aniya.

Muli niyang ipinaalala sa mga residente na magtungo sa Malasakit Center sa Batangas Provincial Hospital sa Lemery kung kinakailangan.

“Kung may kailangan kayo sa inyong kalusugan, meron tayong mga Malasakit Center sa bansa, lalo na rito sa Batangas. Magsabi lang din po kayo kung kailangan ninyong magpaopera at ako na po ang magpapaopera sa inyo. Tutulong din ako sa pamasahe hanggang makabalik kayo.”

“Uulitin ko, kami ni Pangulong Duterte, handa kaming magserbisyo sa inyong lahat anytime po sa abot ng aming makakaya. Patuloy po tayong magbayanihan upang mas mabilis na malampasan ang krisis na ito at makabalik na tayo sa normal na pamumuhay. Tutulungan namin kayong magkaroon ng maayos na kabuhayan muli,” anang mambabatas. (PFT Team)