Advertisers

Advertisers

6 PHARMACIES, BINUKSAN NG MHD SA 6 NA DISTRITO NG MAYNILA – ISKO

0 321

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na ang Manila Health Department (MHD) sa pangunguna Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ay nagbukas ng anim na malalaking pharmacies sa anim na distrito ng lungsod upang ma-decentralize ang distribusyon ng mga gamot, at mapabilis ang paglabas nito para maiwasan din na ito ay mapaso.

Ayon kay Moreno ang pagbubukas ay ginawa isang araw bago ang selebrasyon ng “World Pharmacists Day 2020″ noong September 25 kung saan si Pangan mismo ang nanguna.

Ang pharmacies ay matatagpuan sa bawat district health centers ng MHD.



Ang eksatong lokasyon nito ay ang mga sumusunod: District 1 – Vitas Health Center, 2403 Vitas St, 101 Tondo Vitas St, 101 Tondo, Manila, 1012 Metro Manila; District 2- Atang Dela Rama Health Center, Tirso Cruz St., 175 Zone 15, Manila, 1013 Metro Manila; District 3 – F. Lanuza Health Center, F. Lanuza Bldg, 1533 Alvarez St, Santa Cruz, Manila, 1003 Metro Manila; District 4 – F. Legarda Health Center, 554 Kundiman, Sampaloc, Maynila, 1008 Kalakhang Manila; District 5 – Paco Health Center, 1427, Canonigo Street, Paco, Manila, 1007 Metro Manila and District 6 – Bacood Health Center, 406 Lakas, Santa Mesa, Manila, 1016 Metro Manila.

Sinabi pa ni Moreno na nauna ng nagtakda ng layunin si Pangan na magbubukas malalaking pharmacies sa bawat health center sa anim na distrito ng Maynila para ma-decentralize ang distribusyon ng mga gamot.

Ang mga gamot ay ibinibigay ng libre sa mga residente sa lungsod na nangangailangan nito, gayundin sa mga empleyado ng City Hall, ayon sa ulat ni Pangan kay Moreno.

Ayon pa kay Pangan, ang mga gamot na ito ay orihinal na nagmula sa Department of Health (DOH) at donasyon mula sa mga pribadong organisasyon. Ito ay hinatid sa DOH at ang samples ay kinolekta ng Food and Drug Administration (FDA) para suriin.

Matapos aprubahan, ito ngayon ay pinamamahagi sa mga regional offices ng DOH at mga local government units (LGUs). Ang LGUs naman ang maghahatid sa kani-kanilang local health facilities, dagdag pa ni Pangan.



Ang World Pharmacist Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Setyembre upang ipakalat ang kamalayan at kahalagahan ng papel na ginagampanan ng pharmacist. Sa araw na ito ang tanging layunin ay itanyag ang pharmacist at ang positibong epekto nito sa kalusugan. (ANDI GARCIA)