Advertisers

Advertisers

Videoke bawal na sa Maynila

0 275

Advertisers

IPINAGBABAWAL na sa lungsod ng Maynila ang paggamit ng karaoke o videoke machines pati narin ang mga nagdudulot ng ingay sa komunidad na maaring makaistorbo sa mga batang nag-o-online class.
Nilagdaan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Vice Mayor Honey Lacuna at City Councilor Majority Floor Leader Joel Chua ang Ordinance No.8688 .
Sa ilalim ng nasabing ordinansa, mula 7:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ng Lunes hanggang Sabado ay bawal ang videoke.
Ipinasa ang nasabing ordinansa kasunod narin ng mga reklamong natanggap ni Domagoso mula sa mga magulang ng mga mag-aaral kaugnay sa mga nagdudulot ng ingay sa panahon ng online class o blended distance learning ng kanilang mga anak.
Pagmumultahin ng halagang P1,000 ang sinumang lalabag sa unang pagkakataon at P2,000 sa pangalawang pagkakataon.
Ang mga lumabag sa ikatlong pagkakataon ay papatawan ng P3,000 multa. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)