Advertisers
SUGATAN ang isang pulis at dalawang sibilyan nang tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Tagbayaon, Jiabong, Samar.
Kinilala ang nasugatang pulis na si Patrolman Ace Denver Aharuddin, at ang mga sibilyan ay sina Reynaldo Calipes at Elma Geli.
Sa ulat, sakay ng PNP patrol car ang mga biktima patungo sa Regional Trial Court Branch 28 para ihatid ang isang Dino Dela Peña na may kasong arson nang biglang sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) kasunod ang pamamaril ng mga rebelde.
Mabilis na tumakas agad ang mga NPA habang isinugod agad sa ospital ang mga sugatang biktima.
Rumesponde naman agad sa lugar ang tropa ng miltar.