Advertisers
PATAY ang isang empleyado ng Philippine Statistic Authority (PSA) nang pagbabarilin sa lalawigan ng La Union.
Kinilala ang biktima na si Gilyore Gurion, 22, binata, residente ng Barangay Lingsat, San Fernando City, La Union.
Sa report, 8:30 ng gabi nitong Miyerkules nang maganap ang krimen sa harap ng meat shop sa Brgy. Pagdaraoan, San Fernando City.
Ayon sa ulat, nakatayo ang biktima nang sumulpot ang isang lalaki at binaril ang biktima sa likod na tumagos sa puso.
Mabilis na tumakas ang salarin bitbit ang baril na ginamit sa pamamaril.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.